Mga Kabuuang Pageview

Miyerkules, Mayo 9, 2012

Awaaaaard!!!

For the past few days, walang ibang tinutukan ang madla kung hind ang eksena ni Raymart at Mon Tulfo sa NAIA. In fairness, very juicy naman talaga ang mga naganap, biruin mong dahil sa luggage na hindi na kuha e me eskandalo pang nangyare? Ang haggard lang, kasi lahat  ng iyon e naganap in front of their kids' , very ghetto naman kasi ang atake ng lola mo.

There was this one interview where Claudine was crying while "reliving" the whole incident. To be honest, imbis na maawa ako sa kanya, mejo naimbey ako ng slight. Very crocodile tears kasi ang arrive ni ate mo. Alam naman nating lahat na artista sha at forte nya ang drama. Kung ang ginawa nya sanang atake e yung tipong habang nagkwekwento sha e manginginig lang saglit yung boses nya tas she'll clear her throat and act like she's composing herself tapos she'll resume her storytelling as if it didn't happen to her, ung parang disconnected sha from the whole incident e baka napaniwala nya pa ko. That way, you'll see the vulnerability and the strength of her character at the same time, alam mo yung ganong peg? In the end, very strong woman kasi ang arrive mo non divine? 



During the interview there were several points that were raised by Ms. Baretto that, to me, were absurd:

1.  " Dahil lang sa juicy na news, alam mo yun, parang worth it ba yun lahat, worth it ba lahat yun?"

Ang masasabi ko lang jan e, totoong juicy naman talaga yung pinag gagagawa ni Claudine, biruin mo e dahil lang sa nawawalang bagahe e aalipustahin mo ang isang tao na wala namang kasalanan, pero at the same time, we're forgetting that Mon Tulfo is not an entertainment columnist. His reason for taking a picture of her ay hindi para ipadala sa chika minute o showbiz central yung photo but because he felt that Claudine's treatment of the clerk was inappropriate and that she was violating the clerk's human rights.

2. " Lahat na lang nasaktan niya."

Are you freaking kidding me, seriously? Sinasabi mo ba na ung ichura ni Mon Tulfo na yun na punong puno ng pasa e sha pa ung nang agrabyado? Na habang pinagtutulungan sha ng mga alipores ni Claudine eh sila pa ang nasaktan? Taray ni Mon ha.

3. " Tas ang masakit don, kasama namin ang mga anak namin, andun yung mga anak namin e."

If she really were thinking about her kids , then she shoudn't have created a scene in the first place. San ba nag ugat ang lahat? Di ba sa kanya, di ba't tinatalakan nya ng bongga ung clerk, pinag mumura pa nga nya at pinag dududuro e, so bakit hindi nya naisip na baka nakikita sha ng mga anak nya non?


Hindi ko naman sinasabing kampi ako kay Mon ano, pero parang ganun na nga. I think that we have already established Mon's integrity as a public servant vs. Claudine Barretto who has had a history of  human rights violation.

Buti na lang si Mon Tulfo ang nakabangga nila, kung hindi e baka kawawa lang ung mga taong maaagrabyado nila.

Habang hinahanap ko sa youtube yung vijo na yan e parang me nakita kong post na nag kabati na daw si Raymart and Tulfo? Saglit nga at mahalungkot, babu muna grrrs, sa susunod ulit!!!

Lunes, Mayo 7, 2012

Lap Dance


Such a fan of next door studios and its models, habang nagbrowbrowse ako sa internet, i decided to look for videos of Johnny Torque sa google. For some strange reason, biglang me nakita kong link sa youtube, fairness very, very visually stimulating ang peg nito. I figured I'd share it with you guys, missing this video is like missing half of your life, waing exaj.

Linggo, Mayo 6, 2012

Vijo

Hindi available ang buod na ito. Mag-click dito para tingnan ang post.

Manila, Luzon

I'm such a fan of RuPaul's Drag Race since it started, and I must say that out of all the Filipino contestants, Manila Luzon was my favorite. She really did us Filipinos justice, good luck to Phi Phi and Jiggly, they have some really big shoes to fill!




Can't wait for Manila to visit Manila!!!

Visit Manila's Facebook fanpage: https://www.facebook.com/manilaluzonfanpage


Sabado, Mayo 5, 2012

Branding...

Halos mag iisang taon din bago ako nakabisita sa blog kong to, nakalimutan ko na nga ung username at password. Naisipan ko lang shang bisitahin dahil feeling ko kelangan ko ng diversion. Nung nabuksan ko na, naisipan kong tignan kung meron bang nakabisita ng blog ko, baka sakaling naligaw sila, at dahil walang ibang gagawin, binasa ung mga posts ko. But no, sabi ng homepage ko, 10 views lang daw ang nakuha ng blog ko at yun ay galing pa sakin, so nag isip ako, nachallenge, ano pa ba ang pwede kong gawin para mai-market ang page ko? Nagisip ako, nag isip ng nag isip at habang nanunuod ako ng SNL, naalala ko bigla ang payo ni Ate Tyra tungkol sa branding. To separate yourself from others, you have to be unique, you have to think of something that will make you stand out. Inisip ko tuloy, ano ba ang pwede kong gawin sa blog ko para maging unique at mag stand out ako sa ibang bloggers, and it dawned on me, imbis na isulat ko ung experience ko sa ex ko, bakit hindi ako mag focus sa gay lifestyle? Uso naman yun ngayon, bading naman ako, I can never go wrong! At dahil jan, Welcome to the new Every drop counts....

Lunes, Agosto 1, 2011

Ibulong mo...

So after almost a week na hindi nakakalog in sa fb, tinry ko namang i check ung social network ko. Nakiushoso sa mga nag birthday, tiningnan kung sinong bago kaaway ni ganito at kung ano anong mga mema. So habang  naghahanap ako ng mga hot guys na pwedeng i -friend eh I came across this page, na in full fairness eh umagaw talaga ng eksena. Sino nga ba naman ang hindi mapapalike sa page na: ibulong mo sa hotdog ni aljur? Fairness di ba, maski naman ako lahat ng sikreto ko eh ibubulong ko sa hotdog na yun. Habang binobrowse ko ung page, naisip ko, ano pa bang mga page ang meron sa FB na me title na ibulong mo? So nag search ako at ito ung mga nakita ko:

Me XXX rated:
  • Ibulong mo sa pepe ni Marian
  • Ibulong mo sa titi ni Ranelle na masakit
  • Ibulong mo sa karug ni Jason with feelings sabay kambyo
Me nanlalait:
  • Ibulong mo sa malaking ulo ni Alfher Hidalgo
  • Ibulong mo sa maliit na tenga ni Jill
  • Ibulong mo sa mala Amidamarung amoy ng kili kili ni Pauldo
  • Ibulong mo sa tigyaway no Rhenz
Kung sino si Alfher Hidalgo, Ranelle, Jason, Jill, Pauldo at Rhenz eh hindi ko rin alam. Pero naisip ko lang kung alam kaya nila na me mga page sila, at kung oo, feeling ba nila eh celebrity na sila dahil me page sila sa FB? Ako kaya, me sariling page na? Baka me nag trip na rin sa kin ng hindi ko alam, ano kaya magiging title nung page na un, Ibulong mo sa malaking chan ni Bb. Luz o Ibulong mo sa basang kili kili ni Bb. Luz? Teka, mai-check nga...

Martes, Hulyo 5, 2011

Panimula: Ang Pagkikita

Hindi ko alam kung pano sisimulan tong blog na to. Actually, yung friend ko ang nag suggest na i-try ko mag blog at dun ilabas ung feelings ko dahil sawang sawa na siyang makinig sa kakakwento ko tungkol sa ex ko. So siguro, dun ko na lang sisimulan, sa ex ko, tutal siya naman ang me dahilan kung bakit nagkakaganito ako. Aaaaaand cue flashback with matching pag alon alon ng screen at harp sa background......


Itago na lang natin siya sa namesung na Roberto Pak!...and fade


Pinakilala sakin si Roberto Pak! ng kebigan ko sa office na ngayo'y naongal na sa workity bilang umaattitude, dahil naghahanap ako ng jojowain non. Nagkita kami sa isang payak at maliit na bar sa Caloocan kasama ang isa ko pang friendich. Dalawa silang dumating non, tig isa kami nung friend ko. Una kong nashoayt si Roberto at nabetan ko naman agad, so shempre more pacute na si atazh. Tinabihan ko na sha agad, pabeautiful eyes kuno, at eksenang pag hawi ng hair ,kahit maikli, pag lilingon ako sa kanya. Sa sobrang bet ko sa kanya, havs pa nga sana ko ng bend and snap, ung tinuro ni Reese Witherspoon sa legally blonde, baka kako umepek sa kanya. Ay! wait lang, hindi ko pa pala nadedescribe ung ichura ko senio, 5'9" ang height ko, slight na majubis, pero slight lang, tas havs ng slight beer belly. Kung ikaw ay straight na lalaki, eepek ba senio ung pag bend and snap ko, kahit ganon ang hichu ko? Very Paulette (Jennifer Coolidge) kasi ang dating di ba instead of Elle Woods (Reese Witherspoon), baka maturn off lang sakin ung mhin, so dedz na. Anyways, mabalik tayo ke Roberto Pak! ano, so de yun inom kami, ganyan, slight bolahan and all that, just when I thought eh nakapag establish nako ng connection with him, umeksena tong friendich ko, let's go na daw. Pa demure effect ako, with matching beautiful eyes, go where bading?, ang inispluk kei, bet pa ni atazh juminom ng makasama ko pa si Roberto Pak! ng mas matagal, shempre nilakasan ko talaga para marinig nya. Hot na hot na daw si bading, gusto ng fumly at chumek in, at bilang slight ngenge na si atazh (slight lang) at dahil true friend ako, umagree na rin ako.


Eksena: Sa shucab papuntang Shogo....


Asa passenger's seat ako, ung friend ko at ung mga mhin ay nasa likod. Chikahan galore bilang me slight tama na, pagdating namin sa dako paroon, shempre nagbabaan na kami. Nagulat na lang ako ng biglang si Roberto Pak! ay kasama na nung friendich ko at naiwan saking ung isang mhin na in full fairness eh effect din naman. Gusto ko sanang ipaglaban ang karapatan ko bilang isang bading, gusto kong sabihin na I saw him first, pero ung tingin ng kebigang kong yun will forever hunt me, na parang nagsasabing: Bading, ibigay mo na sha sakin, matanda na ko at konti na lang ang nalalabi kong mga araw, pagbigyan mo na ko flest, kulang na lang eh ubo! Sa loob loob ko, hindi dapat! Hindi tama! Ako ang unang nakakita sa kanya! Ako legal wife! Pero ung nakita kong pagsusumamo sa mga mata ni bading ang nagudyok sakin na tumango, o baka dahil lang sa lazy eye ni bakla? Ung tangong un ang pinakamahirap na tangong nagawa ko, para bang napakabigat ng ulo ko, daig ko pa ang me hydrocephalus na nakahelmet at nakahithit ng sampung sticks ng marijuana sa kabigatan ng ulo, pero pumayag ako, dahil true friend ako.